Smoking Kills

Meron tatlong magkakaibigan, dalawang lalaki at isang babae, tumambay sa may Sunken Garden(sa UPD po ulit ito). Gabi na iyon, at dala dala ang kanilang mga yosi, umupo sila sa mga uprooted roots ng isang puno. Pinagtatawanan nila lahat ng mga so-called joggers na kakaiba ang pag takbo. Merong mga pa sway sway ang pwet, meron ding mga pa sway sway naman ang shoulders.

Anabelle: Oh shit, tingnan niyo yung babaeng yan, kakagaling lang nyan mag *tooooooot*.

Bernabe: Eh? Bakit mo naman nasabi?

Anabelle: Putangina glass of milk lang, tingnan mo yung pwet, may muscle memory pa ata, o? you see? its still swaying left and right? Oh shit, nag back and forth pa.

Maxillano: *inhale*, *deep breath*, *exhale*. Gago.

"Hahahahaha" tumawa ang tatlo ng pagka sobrang lakas na pati yung babaeng kanilang pinag uusapan ay napatingin tuloy sa kanila. Biglang tumahimik ang mundo ng ilang segundo.
*inhale*, *deep breath*, *exhale*

Anabelle: 'nga pala mga tol, sino iboboto niyo sa eleksyon?

Maxillano: *inhale*, *exhale*

Bernabe: Potangina, hit hit buga!

Maxillano: sorry, sorry. *inhale*, *deep breath*, *exhale*.

Bernabe: Anyway, ako? iboboto ko si Gibo, hot ng kanyang asawa.

Anabelle: Gago lang! seryosong tanong iyon. Ako? Gibo rin actually, pero hindi dahil hot asawa niya kung hindi dahil hot siya.

"hahaha"

Maxillano: Mga wala kayong kwenta! Ako iboboto ko si Jamby Madrigal. kasi...

Bernabe and Anabelle: ALAM NAAAAA!!!

Maxillano: Potang ina niyo! pero seriously, si Gibo iboboto ko, joke lang yung si Jamby.

Bernabe: Ako rin actually, Gibo, feeling ko siya na ang makakapagbago ng Pilipinas.

Anabelle: Ah, basta ako, Gibo is hot. PERIOD. nga pala, registered kayo diba? saang probinsya?

Maxillano: registered? ano yun? indi ata.

Bernabe: pota, ako din pala..

Anabelle: haiiiiiiiiiiiii, uwi na nga tayo walang kwenta tong usapang ito..

pagtayo nila, nakita nila sina Piolo at KC na nagjojog. so, nag jog na din sila.

Ang mga taong nabanggit sa kwentong ito ay gawa lamang ng imahinasyon at hindi totoo. Kung meron mang tao na natamaan ng kwentong ito, pasensya na po. Pero, totoong tao po sina Piolo at KC.

2 comments:

Tricia said...

HAHAHA

Prozac said...

ang lakas mo namang tumawa, pat. haha