Minsan, nangarap ako maging isang superhero. Ang lumipad kasama si Super-Man o ang dumikit sa dingding na parang si Spider-Man. O 'di kaya'y magkaroon ng super high tech gadget, tulad nila Batman at Ironman. Inisip ko na kung ako ay binigyan ng super powers, kaya ko nang gawin ang lahat ng pwedeng gawin. Tuwing malamig ang panahon, ididilat ko lang ang aking mga mata para merong lumabas na heat laser, o kung mainit naman, gagamitin ko ang aking super cold na hininga. Shet, that would be the dream. Naka all black outfit ako kapag nakikipag laban sa mga alagad ni Satanas. Tapos sa umaga naman, isa akong billionaire, with my beautiful wife by my side.
Pangarap nga naman, makes you dream big. Libre lang ang mangarap, at kahit kailan man hindi ito naging masama, unless ang pangarap mo ay makita ang dede ni Anne Curtis, which by the way, ay nakakalat na sa internet. Ang pangarap na sinasabi ko dito ay yung mga pangarap kung saan giginhawa hindi lamang ang buhay ng nangangarap, kasama narin ang mga tao sa paligid niya. In english, an Unselfish Dream.
Sa ngayon, matanda na ako para intindihin na ang mga pangarap ko nung bata pa ako - superpowers, maging billionaire- ay malayo nang mangyari. Sa ngayon, mas realistic na ang mga pangarap ko. Bilang estudyante ng UP Diliman, tres man lang ay makapagpapasaya na sa akin, isang pasadong marka mula sa isang mahirap na asignatura. Kung pasado ako, hindi lang ako ang magiging masaya, sasaya din ang mga mahal ko sa buhay, ito ang aking unselfish dream.
Mabuhay ang mga pangarap ng mga nangangarap. Heaven Yeah.

No comments:
Post a Comment